Sapin-Sapin
Ito ang isa sa sikat na kakanin sa aming lugar dito sa cavite. Kadalasan mo itong makikita at mabibili sa palengke o kaya naman sa mga naglalako. Ang sapin sapin ay isa sa masarap na kakanin ito ay gawa sa giniling na malagkit.

Alam naman nating lahat na ito ang kadalasan na hindi nawawala sa handaan..
Bakit ko nasabi? kasi tuwing may okasyon sa amin ay lagi ko itong nakikita.
Kung minsan naman ay niluluto
ito tuwing mahal na araw at sa araw ng mga patay
Maja blanca
Hindi sa maja salvador kundi isa syang kakanin na kadalasan mo rin na makikita sa handaan. Ito'y masarap kaya naging paborito ko. Lagi itong niluluto ng mama ko kapag may okasyon kasi simple lang sya lutuin.
Palitaw
Isa sa favorite ko na kakanin dito sa cavite ang palitaw lagi akong bumibili nito sa mga naglalako ng kakanin at pinapadamihan ko ang asukal kasi kung onti lang yung asukal tas madami yung binili mo na palitaw mawawalan na yung iba ng lasa kasi yung asukal ang pampalasa niya.




